Even MIRACLES take a little time
To my awesome boyfriend,

Isa sa pinaka masayang araw ko yung moment na nalaman ni daddy na nanliligaw ka sa akin. Mahirap maging legal. Pero nagawa ko (proud na proud ako sa sarili ko nun haha). Kaya wag nating sasayangin itong chance na to. Ang swerte mo, buti pumayag si daddy :P

At ngayong tayo na, I promise na lagi kita papasayahin at kahit magkalayo tayo, paparamdam ko sayo na love kita. Di ako mag chi-cheat (lol gaya ng mga naging ex mo). Haha! Pag may problema ka, nandito lang ako, alam kong wala akong maitutulong, pero papakinggan ko pa din kahit ano man yun. Mag e-effort ako sa relationship natin, di na kita papakawalan forever, lagot ka sa akin :P hahaha! Pag inaway mo ko, di ako gaganti, may lolo akong marunong mag boxing, yung daddy ko kasali sa gun club, at yung kapatid ko, marunong ng mixed martial arts. Haha sila bahala sayo! Di kita tinatakot, pero parang ganun na nga din un. Whahahaha! I love you from the bottom of my heart and all of my internal organs!

Thank you nga pala kasi natanggap mo yung totoong ako. I mean, di ko ineexpect na magugustuhan mo din ako kahit na di ako nagparamdam dati na gusto kita. Alam mo yun? Basta pinakita ko lang yung totoong ako. Niyayabangan kita, inaayaw (hahaha), sinusungitan, tas nung una pa nga di kita pinapansin eh (kasi wala lang) :P

Di ako magsasawa sayo. Kahit madaldal ka. Haha!

Alam ko pati na ang LDR ay isa sa mga mahirap na pagsubok ng pag-ibig LOL at kung magtagumpay tayo dito, alam na nating true love talaga <3



  1. superaejey said: Naks, PAG IBIG. <3
  2. ohjenii posted this