Even MIRACLES take a little time

Buti nalang may kapatid ako. Kahit papaano, may napagsasabihan ako ng nararamdaman ko (kahit nagbubugbugan kami lagi). Haha!

28 May 2012 ♥ 2

Ayoko sana mag-rant dito about sa problema ko. Pero tae. Kahit na may mga kaibigan akong nakikinig sa akin, parang kulang pa din. Haha! Gusto ko lang umiyak ng umiyak ngayon. Masyado kasing nagiging unfair ang buhay ko. Una kay lola na walang tiwala sa akin. Di ko alam kung bat nawala tiwala nun sa akin pag tungkol na sa pera ang usapan. Wala ako maalala na kinupitan ko sya or something kasi never ko namang ginawa yun. Siguro kasi madami akong gastos? Di ko alam. Pero parang ang babaw naman lol. Di naman pati nagkukulang si daddy sa pagtatrabaho nya para sa amin tas pagdadamutan nya ako. Pero pag kapatid ko naman ang hihingi, maluwag na maluwag sya. Tae. Di ako naiinggit pero ang unfair lang talaga. Tas bat pag ako, kahit konting pagkakamali ko lang o kahit hindi ako yung nagkamali, maririnig at maririnig ko ang pangalan ko sa usapan nila na parang ako pa ang may kasalanan. Minsan sumisigaw ako ng, “Ano na naman ang ginawa ko?”. Nakakapuno na kasi. Kahit anong gawin ko, pinapagalitan nila ako. Di nila pinapagalitan ang mga pinsan ko gaya pag nagagalit sila sa akin. Naiinis din ako sa pinsan kong walang galang. Napakapilosopo at napaka-bossy. Akala mo ang dami nyang alam. Tae. Gusto kong magmura pero sa isip nalang. Sana malaman nya na naaasar ako sa kanya at wag nya muna akong kausapin. Kailangan ko muna ng quiet time with myself. Aalis ako ng bahay mamaya. Siguro gabi na ko uuwi para tulog na si lola. Ayoko muna sya kausapin. Sobra na. Sobrang sobra na ung mga pinagsasasabi nya sa akin sa harap at sa likod ko. Naririnig ko lahat. Lahat tumatanim sa puso ko. Wala ako magawa. Iniiyak ko nalang. Wala naman kasi akong mommy na mapagsasabihan e. Ayoko naman kay daddy magsumbong kasi wala akong lakas ng loob, ayoko pating umiyak ako sa harap nya. Hay buhay. Tiis tiis nalang muna. No choice naman e.

27 May 2012 ♥ 4

Mag isa nalang ako sa bahay.

Pwede na kong umiyak ng bonggang bongga.

27 May 2012 ♥ 1

May panahon talaga sa buhay na wala kang ibang aasahan kundi sarili mo lang. 

27 May 2012 ♥ 1

Nakakainip sa bahay. Alis muna ako. Hayyyyy. Sana naman may makasama uli ako, ayoko magisa na naman :(

26 May 2012

22 May 2012 ♥ 25

Date with my awesome cousin <33333

20 May 2012

BADING! 20 May 2012

trip trip lang yan lol

19 May 2012

theme by simplynorule